Manoryalismo
Isang sistemang pangekonomiya kung saan ang magbubukid ay nagbibigay serbisyo sa isang piyudal na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang proteksiyon. Sa Kanlurang Europe umusbong ito noong gitnang panahon. Sa kanlurang Europe ang ekonomiya ay nakasentro sa sistemang manoryal. Ito ay sistemang agrikultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Ang manoray lupaing sakop ng isang panginoong may lupa na binubuo ng kanyang kastilyo,simbahan, at pamayanan. Sa ilalim ng manoryalismo, tungkulin ng isang panginoong may lupa na lagyan ng pabahay , lupang sakahan , at proteksiyon. Ang mga taong naninirahan sa manor. Kapalit ng mga ibinibigay ng panginoon. Ay ang paglilingkod ng mga tao sa pangangailangan ng kanilang panginoong may lupa.